Virtual card ito ni Globe. Kaya virtual, kasi wala kang physical na card na hahawakan. Para syang credit card na ginawa in partnership sa American Express.
May age limit ba ito?
Yun ang maganda dito. Kahit sino pwedeng mag-apply. Basta may valid ID, mobile phone at Globe SIM.
Magkano naman ibabayad ko?
Wala kang babayaran, as in FREE! Kailangan lang ng 46 PHP na balance sa GCASH AMEX account mo.
Gaano naman katagal?
2-3 days verified kana sa PayPal.
Pano ako mag-aapply?
1) Dial mo *143#, tapos punta ka sa GCASH, tapos Register. Tapos ifill up mo na yung natitirang hinihingi.
2) Yan, may GCASH account kana, Pero hindi pa GCASH AMEX yan. Kulang ka pa ng steps. Ngayon punta ka naman sa Globe store o kaya sa Villarica Pawnshop or sa Tambunting-Antracs para magpa-KYC (Know Your Customer). Wala kang gagawin dito kundi magpapakita ka lang, tapos kailangan may dala kang valid ID. Yun lang yung requirements. Tapos nito KYC ka na. Di ka kasi magkaka-GCASH AMEX pag wala ka nitong step na ito
3) Dial mo ulit *143#, tapos punta ka ulit sa GCASH, tapos punta ka sa GCASH American Express Virtual Pay tapos piliin mo Sign Up. Fill up mo lang din yung natitirang detalye.
4) After mo dito, magkakaroon ka na ng GCASH AMEX! Tignan mo lang yung email address na ginamit mong pangregister para sa virtual card details mo. Kung iOS o Android naman gamit mo, download mo yung GCASH app, libre lang yun. Makikita mo din yung card details mo dun. Or dial mo ulit *143# tapos punta ka sa GCASH American Express Virtual Pay, meron din dun View Details.
5) Ngayon, dito na magsisimula yung verification mo sa PayPal. Login ka na sa PayPal tapos punta ka sa dashboard mo at hanapin mo yung "Get Verified" na link. Click mo yun tapos fill up mo yung hinihinging details. Magchacharge yung PayPal ng refundable verification fee na $2, kaya dapat may balanse yung GCASH AMEX nyo
Important: Dito mo na ilalagay yung name mo exactly kung ano yung niregister mo sa GCASH AMEX. Parehong pareho dapat lahat. Tapos sa card type, American Express piliin mo, tapos yung sa card number, yan yung number nung virtual card mo.
Pasok mo rin yung US address na nakuha mo dun sa billing address area ng Add Card sa PayPal:
6) Ngayon, since virtual card lang ang GCASH AMEX, kailangan magpadala ka ng email sa Globe kasi sa kanila mo hihingin yung 4-digit verification code mo sa Paypal. Pag nabigay na nila sayo yun, verified ka na!
Punta ka sa email mo tapos gayahin mo to:
Email Address: gcashinquiries@globe.com.ph
Subject: GCash AMEX – Paypal
Body: Sulat nyo dito na irerequest nyo yung 4-digit verification code nyo sa PayPal tapos isama nyo yung mobile number nyo na ginamit nyong pangregister sa GCASH at yung GCASH AMEX account number nyo
7. After mga 2-3 days, ieemail na kayo ng Globe tapos nandun na yung 4-digit PayPal verification code nyo. Pasok nyo na sa PayPal website.
8. Congrats! Verified na yung PayPal account mo.
Like, Comment and Share lang po if nakatulong, Salamat Enjoy!!!
Post a Comment